2 Opisyal ng Pinaghihinalaang NPA nahuli sa Claver, Surigao Del Norte

2 Opisyal ng Pinaghihinalaang NPA nahuli sa Brgy. Ladgaron, Claver, Surigao Del Norte. Kinilala ang mga nahuli na sina Benjamin Catong alias Kulata at Melody Catong alias Em-Em, diumano’y mga opisyal ng Guerilla Front 16. Ayon kay 2nd Lt. Jonel Castillo, ang Civil Military Operations Officer ng 30IB Phil. Army, ang pagkakahuli sa dalawa ito’y matapos lumabas ang Warrant of Arrest sa kasong kriminal 11858 sa Multiple Attempted Murder na inisyu ng 10th Judicial Region Branch 32 at may bailbond na P120,000. Nakuha rin mula sa kamay ni Benjamin Catong ang isang 9 MM revolver at 10 bala. Dagdag pa ni Castillo, malaking kawalan sa NPA ang pagkakahuli sa mga Catong lalo na’t miyembro ito sa Sentro de Grabidad Platoon. Inihayag rin ni Lt. Col. Allen Tomas, ang Batallion Commander ng 30IB Phil Army, ang sunod-sunod na pagkakahuli ng mga opisyal ng NPA ang indikasyon ng pagsuporta ng mga Surigaonon sa puwersa ng militar. Hinimok din nito ang mga NPA na sumuko na at pakinggan ang panawagan sa kapayapaan.

Facebook Comments