2 opisyal ng Sunwest, susuko —CIDG

Nagpahayag ng kahandaang sumuko ang 2 opisyal ng Sunwest na may arrest warrant kaugnay sa flood control anomaly.

Matatandaan na may 7 pang pinaghahanap ang mga awtoridad kung saan ang 3 dito ay nandito lamang sa Pilipinas at ang 4 ay nasa labas ng bansa.

Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame sinabi ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group PMGen Alexander Robert Morico, na nakikipag-ugnayan na sa kanila ang pamilya ng nasabing dalawang opisyal.

Tiniyak naman ni Morico na ang mga ito ay nandito lamang sa loob ng bansa.

Samantala, ang apat pang iba ay nasa ibang bansa kung saan ito ay kinabibilangan ni Zaldy Co, 2 Sunwest official at isa pang Department of Public Works and Highways (DPWH) na sa huling ulat ay nasa Israel.

Sa ngayon patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa police attache ng Pilipinas sa mga bansa na kinaroroonan ng mga nasabing may arrest warrant patungkol sa flood control anomaly.

Facebook Comments