2 PAMPASABOG AT BARIL, ISINUKO SA PULISYA

Ilang pampasabog at mga baril ang boluntaryong isinuko sa mga awtoridad sa Pasil at Pinukpuk, Kalinga kamakailan.

Kabilang sa mga isinuko dalawang rifle grenades, isang long firearm homemade shotgun at isang pang homemade gauge 12 long shot gun na may improvised magazine na walang lamang bala sa Pasil Municipal Police Station at Pinukpuk Municipal Police Station.

Ang kusang pagsuko sa mga pampasabog at baril ay dahil na rin sa isinagawang house-to-house visitation at information dissemination ng mga awtoridad sa kanilang kampanya laban sa loose firearms.

Ang mga baril na ito ay nasa kustodiya na ng mga police stations para sa dokumentasyon at tamang disposisyon habang ang mga Granada naman ay ipinasakamay sa Provincial Explosive Ordnance Disposal (E.O.D) Canine Unit (PECU).

Samantala, hinikayat naman ni PCol Charles Domallig, POR COR Provincial Director, ang iba na suportahan at lumahok sa kampanya laban sa loose firearms at anti-criminality campaign ng Kalinga PPO sa pamamagitan ng pagsuko at pag-uulat ng mga insidente na may kinalaman sa iligal na paggamit ng mga baril, pampasabog, at bala upang mabawasan ang mga kaugnay na krimen.

Bukod dito, ang Kalinga PPO ay patuloy na nagpapaalala sa mga may hawak ng baril na isuko ang mga hindi lisensyadong baril sa mga awtoridad.

Facebook Comments