2 PANG COVID-19 PATIENTS NAKALABAS NA NGAKLAN PROVINCIAL HOSPITAL

Kalibo, Aklan – Matapos mag negatibo ang second confirmatory test ng kanilang mga specimen sampleslumabas na kahapon ang 2 pang Corona Virus Disease COVID-19 patients sa Aklan Provincial Hospital.
Ito’y ang 66 years old na retired government employee at ang 4o years old seaman na parehong taga bayan ng Kalibo.
Ang nasabing mga pasyente ay na admit sa Aklan provincial hospital noong April 5, 2020 matapos ang test samples ng mga ito ay nag positibo sa COVID-19 noong April 4.
Matandaang April 22 una ng nakalabas ng nasabing pagamutan ang 86 years old na foreman na taga bayan ng Libacao.
Samantala ayon kay Dr. Cornelio Cuachon Jr. Provincial Health Officer 1 ng PHO-Aklan, ngayon araw naman tinatayang makakalabas rin ang 60 years old na mula sa San Jose, Hambil, Romblon matapos nagnegatibo rin sa nasabing virus ang kanyang specimen repeat confirmatory test.

Facebook Comments