German National na taga San Jose Romblon, gumaling na mula sa COVID19

Kalibo, Aklan— Pinauwi na ang 60 anyos German National na taga San Jose Romblon matapos gumaling sa COVID19.
Ang naturang foriegn national ay itinawid sa lalawigan gamit ang isang pribadong bangka mula Romblon, at dinala sa Aklan Provincial Hospital noong Marso 25 sakay naman ng isang ambulansiya.
Marso 9 ng umuwi ang pasyente sakay ng pribadong bangka mula sa Caticlan patungong San Jose kung saan dumiretso ito sa kanilang bahay sa Barangay Pinamihagan.
Nakitaan ito ng sintomas ng COVID19 at na-admit sa ospital.
Sa ngayon ihahatid ng PDRRMO-Aklan ang gumaling na pasyente sa Caticlan port kung saan naghihintay ang kanyang pamilya at uuwi na ng San Jose, Romblon sakay ng bangka.

Facebook Comments