2 pang kadete ng PMA, nasa ospital matapos maging biktima ng maltreatment

Dalawa pang 4th class cadet sa PMA ang ginagamot ngayon sa Military Hospital sa Baguio City.

Ito ang kinumpirma ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo matapos na maging biktima ng maltreatment sa akademya.

Aniya sa isinugod sa ospital ang dalawa nitong September 7 at September 21 matapos na magreklamo ng pananakit ng sikmura.


Ang mga kadete ay may mga edad na 20 hanggang 21 yrs old.

Nakilala na rin ang mga suspek sa maltreatment pero ayaw pa pangalanan ni Arevalo.

Ngayong araw aniya ay sasampahan na ng kaso ang mga ito sa Baguio City.

Inaalam na rin ni Arevalo kung may koneksyon ang  maltreatment sa dalawa ang ginawang hazing kay 4th class Darwin Dormitorio.

Facebook Comments