2 pang OFW, lumabag sa quarantine protocols

Hinahanda na ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang kaso laban sa dalawa pang Returning Overseas Filipino (ROF) na lumabag din sa quarantine protocol.

Ayon kay BOQ Deputy Director Dr. Robert Salvador, ang dalawang Overseas Filipino Workers (OFW) ay nameke ng kanilang quarantine certificate.

Nauna nang kinasuhan ng BOQ si Gwyneth Chua o mas kilalang “Poblacion girl” na nakapanghawa ng 15 indibidwal matapos umiwas sa isolation at mag-party noong Disyemrbre.


Sa ngayon, bahagyang bumaba ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nagpositibo sa COVID-19.

Mula sa 400 na OFW na nagpopositibo kada araw noong Disyembre, bumaba na ito sa 250 kada araw nitong Enero 22.

Facebook Comments