DOH, nakapagtala ng halos 25,000 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ng 24,938 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mababa ito kumpara sa 29,828 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3,442,056 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 262,997 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 35,461 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3,125,540 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 53,519 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 47 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 22 habang may limang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 document repository system.

Facebook Comments