2 pang opisyal ng PhilHealth, sinuspinde ng Ombudsman

76

Dalawa pang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pinatawan ng Office of the Ombudsman ng anim na buwang suspensyon na walang bayad.

Kabilang sa sinuspinde ni Ombudsman Samuel Martires ay sina PhilHealth Chief Information Officer Jovita Aragona at Senior ICT Officer Calixto Gabuya Jr.


Ayon kay Martires, layon nito na hindi maimpluwensyahan ang nagpapatuloy na imbestigasyon sa mga kasong administratibo laban sa kanila.

May kaugnayan ito sa sinasabing anomalya sa procurement ng IT equipment ng PhilHealth.

Nauna nang pinatawan ng suspensyon ang walong opisyal ng PhilHealth.

Facebook Comments