Agriculture Sec. Wiliam Dar, ikinalugod ang 0.7% na paglago ng sektor ng agrikultura sa 3rd quarter ng 2020 sa kabila ng pandemya

75

Ikinagalak ni Agriculture Secretary William Dar ang 0.7 percent na pagtaas sa produksyon ng sektor ng agrikultura mula buwan ng Hulyo hanggang Setyembre.

Ayon kay Sec. Dar, sa kabila ng mga ipinatupad na community quarantine dulot ng pandemya, muling tumaas ang produksyon ng palay sa 15.2% at mais sa 3.5%.


Habang nagpakita naman ng 1.9% na paglago ang sektor ng pangisdaan.

Ani Dar, makakatulong ang mataas na crop production at isda upang pawiin ang mahinang suplay ng mga pork products na dulot ng African Swine Fever (ASF).

Tiniyak ni Dar na magpapatuloy ang kanilang suporta at interbensyon upang masustini ang paglago at paglakas ng sektor ng agrikultura.

Facebook Comments