2 pang self-administered COVID-19 test kits, nag-apply ng special certification sa FDA

55

2 pang laboratoryo ang nagsumite ng special certification sa Food and Drugs Administration (FDA) upang aprubahan din bilang self-administered COVID-19 test kits.

Ayon kay Research Institute for Tropical Medicine (RITM) Laboratory Chief Dr. Armando Tandoc III, on going ang review nila sa mga aplikasyon.

Kasama pa rito ang 31 laboratoryo na una nang nag-apply ng special certification sa FDA.


Ani Dr. Tandoc nasa lima hanggang 10 araw ang itinataggal ng kanilang review bago sila makapagpalabas ng special certification at tuluyan na itong magamit bilang self-administered test kit.

Una nang inaprubahan ng FDA ang 2 brands ng self-administered test kit na Panbio COVID-19 antigen self-test kit na gawa ng Abbot at ang SARS-CoV-2 antigen rapid test for home ng Labnovation Technologies, Inc.

Facebook Comments