2 pang suspek sa hazing incident sa Laguna, sumuko na

Sumuko sa mga awtoridad ang dalawa pang suspek sa pagkamatay ng 18-anyos na estudyante sa hazing incident sa Kalayaan, Laguna.

Ayon kay Kirby Galero, noong una pa lamang ay nais na niyang sumuko pero natatakot siya sa mga natatanggap niyang pagbabanta.

Tumanggi namang magsalita si Kevin Perez sa akusasyong siya ang “master initiator” sa nangyaring hazing.


Una nang naaresto at kinasuhan ng homicide at paglabag sa Anti-Hazing Law sina Reyvine Espaldon at Venzon Benedict Lacaocao na umano’y mga opisyal ng Tau Gamma Phi Fraternity.

Ayon sa kay Remil Rabutazo, ama ng biktimang si Raymark “RR” Rabutazo, hindi bababa sa 23 miyembro ng fraternity ang sangkot sa hazing kabilang ang ilan nilang kaanak.

Batay sa medico legal report, nagtamo ang Grade 12 student ng subdural hemorrhage matapos na hampasin sa ulo habang isinasagawa ang initiation rites.

Facebook Comments