PNP, wala pa ring proof of life sa 34 na nawawalang sabungero

Wala pa ring proof of life ang 34 na mga nawawalang sabungero.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, sa kabila ng pagsusumikap ng mga imbestigador mula sa PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay wala pa ni isa sa mga nawawala ang nakikitang buhay hanggang ngayon.

Aniya, matapos kasuhan ang mga security personnel ng Manila Arena ay susunod na sasampahan ng kaso ay mismong mga pulis mula sa Laguna.


Sila ang mga itinuro sa Senate hearing na diumano’y dumukot sa ilang mga nawawalang sabungero.

Kabilang dito sina Patrolman Roy Navarete, Staff Sergeant Daryl Paghangaan at Master Sargeant Michael Claveria.

Kahapon ay sinibak na rin ang Police Department ng Laguna Provincial Police Office na si Police Col. Rogarth Campo habang iniimbestigahan ang kaso ng mga nawawalang sabungero.



Facebook Comments