2 pasiente ng COVID-19 sa Ilocos Norte, ligtas na sa naturang sakit, nakauwi na

36

iFM Laoag – Nakalabas na sa ospital ang dalawang pasiente na nagpositibo sa COVID-19 sa Ilocos Norte kamakailan.

Laking tuwa ng Mariano Marcos Memorial Hospital sa Batac matapos inanunsyo na ang dalawang pasiente ay ligtas na sa nasabing sakit.


Gayun paman, nagpapaalala parin ang kagawaran ng kalusugan at ang Provincial Government of Ilocos Norte sa pamumuno ni Governor Matthew Marcos Manotoc na patuloy parin ang pagkaroon ng monitoring sa buong lalawigan.

Sa ngayon, Zero Case ulit ang probinsya ng Ilocos Norte batay sa taya ng Task Force Salun-at (Kalusugan), umabot na sa 11,146 ang nakakompleto na sa 14-day quarantine, 481 person under monitoring at sero naman sa person under investigation. # – Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments