2 patay, 1 kritikal sa pinaghalo-halo umanong kape, suka, soft drinks, paint thinner

4873

Patay ang dalawang lalaki, habang kritikal naman ang lagay ng isa pa matapos umanong tumagay ng pinaghalo-halong kape, suka, soft drinks at paint thinner sa Maynila.

Batay sa ulat, inimbento ng magbabarkadang sina Rene, Boboy at Dandy ng Baseco Compound, ang nasabing inuman dahil may liquor ban sa lungsod.

Kuwento ng kaanak ng nasawing si Rene, ilang araw na raw umiinom ang tatlo ng tinimplang kape, suka, at soft drinks, hanggang sa may nakaisip na dagdagan ito ng paint thinner nitong Linggo.

Natagpuan na lang kinabukasan si Rene na walang malay at bumubula ang bibig, habang si Boboy ay nagtangka pa raw tumakbo sa ospital matapos mawalan ng paningin ngunit bumulagta rin sa kalsada kinalaunan.

Samantala, kritikal naman ang kondisyon ng ikatlong biktima na nasa Philippine General Hospital.

Facebook Comments