COVID-19, 10 beses na mas nakamamatay kaysa sa swine flu ayon sa WHO

Inihayag ng World Health Organization (WHO) na mas nakamamatay ang bagong Coronavirus Disease (COVID-19) kumpara sa swine flu.

Ayon kay WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, bukod sa mabilis na kumalat ang COVID-19 ay nasa 10 beses pa itong mas nakamamatay sa swine flu na nagdulot din ng global pandemic noong 2009.

Aniya, nasa 18,500 katao lamang ang tinatayang nasawi sa “swine flu” mula sa H1N1 virus na ‘di hamak na mas mababa ng halos 10 beses kumpara sa halos 115,000 kataong namatay naman ngayon dahil sa COVID-19.


Samantala, pumalo na sa 1.9 milyong katao ang nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo kung saan nangunguna pa rin ang Estados Unidos na mayroong 518,918 na kaso habang 23,608 dito ang nasawi.

Facebook Comments