2 patay 1 sugatan sa pamamaril sa bayan ng Matalam North Cotabato

Dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ag namatay habang sugatan naman ang isa pa ng pagbabarilin sa barangay Kibudoc, sa bayan ng Matalam sa lalawigan ng North Cotabato dakong 12:50 ng madaling araw.
Kinilala ni Police Chief Inspector Sunny Leoncito hepe ng Matalam Pnp ang mga nasawi na sina Jerome Dioso Francisco, magsasaka 31 anyos , may-asawa, at si Danilo Montero Jr, 21 anyos , binata , isa ring magsasaka na parehong nakatira sa Purok 1, Brgy. Salvacion, sa bayan ng Matalam, Cotabato.
Naisugod naman sa pagamutan si Bimbo Ereje, 43 anyos, may-asawa at residente din ng Salvacion Matalam.
Sa report ay nanggaling sa isang pasayawan ang tatlo sa isang kapistahan ng Barangay Kibudoc ng silay pagbabarilin habang papauwi. Sa pagtakas ng mga suspect ay tinangay nila ang dalawang motorsiklo ng mga biktima. Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 7 basyo ng bala mula sa cal. 45 pistol .(Amer Sinsuat)

Facebook Comments