PINAG-IINGAT | Mga Pilipino, binalaan na huwag munang pumunta sa ilang lugar sa Israel

World – Binalaan ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang mga Pilipinong nasa Israel na huwag na munang bumisita sa ilang lugar sa Jerusalem, West Bank at Golan Heights.

Kasunod ito nang pagkilala ni US President Donald Trump sa Jerusalem bilang capital ng Israel.

Ayon sa Embahada, patuloy ang matitinding protesta sa Jerusalem, West Bank at Golan Heights matapos ang nasabing deklarasyon ni Trump.


Pinayuhan pa ng Philippine Embassy ang mga Pilipino na mag-monitor ng local news at sumunod sa security bulletins mula sa Israel special forces at tumawag kaagad sa hotlines ng embahada kapag may emergency.

Facebook Comments