2 patay, 17 nasagip sa pagtaob ng bangka sa Sulu

Patay ang dalawang sakay ng tumaob na bangka sa bahagi ng Bakungan Island sa Patikul, Sulu.

Sa ulat, tumaob ang bangka na may pangalang “Friendly” matapos na abutan ng masamang panahon sa dagat noong Huwebes.

Galing sa Port Holand, Basilan ang bangka at papunta sana sa Jolo, Sulu.


Biyernes na nang marekober ang bangkay nina Hja Suhula Radjuli, 70-anyos at Sitti Kalasahan Radjuli, 33-anyos.

Nasa 17 pasahero naman ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Navy kabilang ang isang taong gulang na bata.

Facebook Comments