DISPERSAL NG MGA ALAGANG BAKA PARA SA MGA BENEPISYARYONG MAGSASAKA, ISINAGAWA SA STA. BARBARA

STA. BARBARA, PANGASINAN – Isinagawa ng Municipal Agriculture Office, sa pangunguna ni Municipal Agriculture Officer Manuel Velasco, katuwang ang Department of Agriculture ang pamamahagi sa ilalim ng cattle dispersal project sa apatnapu na mga local farmers ng bayan ng Sta. Barbara bilang tulong sa mga ito sa gitna ng pandemya.

Upang mapanatili ang sustainability ng naturang programa, ang bawat benepisaryong magsasaka ay may susundan ng scheme upang mas marami pang indibidwal na matutulungan nito.

Ang baka ng unang benepisyaryo na nanganak ng babae ay ibibigay naman sa ibang benepisyaryo at kung sakali ang anak ng baka ng mga ito ay lalaki, ito naman ay ipagbibili at papalitan ng babaeng baka para palakihin din ng mga benepisyaryo.


Gagawin naman din ang redispersal ng mga baka rito matapos ang anim na buwan.

Facebook Comments