2 patay 2 sugatan sa pamamaril sa bayan ng Pikit North Cotabato

Dalawa katao ang patay habang dalawa ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa barangay Poblacion, sa bayan ng Pikit, North Cotabato kahapon.
Sa ginawang panayam ng Rmn Cotabato kay Police Chief Inspector Romy Castanares, hepe ng Pikit Pnp kanyang kinilala ang mga nasawi na sina Sammy Emba,isang magsasaka residente ng Pagagawan sa Maguindanao at Hamsa Pagayao, isang vendor at residente ng Brgy. Nalapaan sa bayan ng Pikit.
Samantala sugatan naman ang maybahay ni Emba na kinilalang si Rahima Wahab at ang bystander na si Din Alagasi Budtong, isa ring magsasaka. Dakong alaa 11:45 ng umaga kahapon ng mangyari ang insidente sa loob ng public market ng Pikit,
Bumibili umano ng cellphone ang mag-asawang sina Sammy at Rahima ng biglang hipuan diumano ng suspect na si Abdulnasir Malimbato sa puwit si Rahima sanhi para magalit si mister na humantong sa suntukan. Dito ay pinagtulungang bugbugin ng mga bystader na sina Pagayao at Budtong si Malimbato hanggang sa bumagsak sa lupa. Dito ay bumunot ng baril ang suspect at pinagbabaril ang biktima
Kaagad isinugod ang mga biktima sa ospital ngunit si Sammy Emba ay binawian ng buhay habang ginagamot sa Cruzado Medical Hospital habang si Pagayao ay namatay sa Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City.( with report from Jesy Ali)

Facebook Comments