2 patay 2 sugatan ss bakbakan ng Milf at ISIS inspired group sa Maguindanao

Dalawa ang patay habang dalawa ang sugatan sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng Task Force Ittihad ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front(MILF) laban sa Isis inspired group na Jamaatul Muhajireen Al Wansar na pinamumunuan ni Esmael Abdulmalik alyas Abu Turayfe sa barangay Andavit sa bayan ng Datu Salibo ,Maguindanao kamakalawa. Kinilala ang mga nasawi na sina Mustapha Musa, 24 anyos at Mohammad Kadil 40 anyos habang ang mga sugatan ay kinilalang sina Surani Abelusa 50 at Taha Sabpa 30 anyos.
Nangyari ang bakbakan pasado ala una ng hapon kamakalawa sa nasabing lugar sa pagitan ng grupo nina Ustad Zacaria Goma at grupo ni Abu Turayfe.
Sinabi ni Army Col. Jerry Besana, chief ng Civil Military Operation(CMO) ng 6th Infantry Division tuloy ang pagtugis kay Abu Turayfe, katunayan ay gumamit pa ng air asset at kanyon ang militar bilang suporta sa Task Force Ittihad at posibleng tatagal pa hanggang Oktubre ang opensiba laban kay Abu Turayfe.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments