Search and rescue operation ng PCG para sa lalaking nawala sa ilog Pasig, nagpapatuloy

Pasig – Pinaghahanap pa rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lalaking huling nakita sa ilog Pasig kahapon.

Sa inisyal na imbestigasyong isinagawa ng PCG, nag-swimming kahapon sa ilog Pasig ang biktimang kinilala bilang si Bido Roger Escamella, tinatayang nasa 40 hanggang 45 anyos may taas na 5’3 at walang suot na damit pangitaas.

Ayon sa Coastguard, dahil sa tindi ng alon kahapon, posibleng natangay ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog.


Naglabas na ng abiso ang PCG sa iba pang sasakayang pandagat na manatiling naka bantay at agad ipagbigay alam agad sakanila sakaling mamataan ng biktima.

Facebook Comments