Dalawa na ang narekord na patay sa lalawigan ng South Cotabato dahil sa nangyaring lindol kahapon batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Kinilala ni PDRRMO Warning and Operation Division Chief Rolly Aquino ang mga biktima na sina Nestor Narciso , 66-anyos at Melissa Morin na namatay din matapos bumangga ang motorsiklo na minamaneho ng mister sa isang pick –up kasabay ng pagyanig kahapon ng umaga sa bayan ng Tantangan, South Cotabato.
Abot naman sa 98 ang nagtamo ng light injury at hinimatay ang dinala sa iba`t-ibang hospital sa lalawigan matapos ang nangyaring magnitude 6.6 na lindol na posible madagdagan pa dahil nagpapatuloy pa ang consolidation ng PDRRMO sa mga reports ng mga municipal disaster risk reduction and management office sa lalawigan.
Nakitaan naman ng bitak ang iilang government offices, eskwelahan, mga malls at iba pang establishemento sa Koronadal City at iba pang bayan sa lalawigan na naging dahilan ng suspensyon ng trabaho at klase kahapon.
Sa ngayon nanatiling suspended ang klase sa mga bayan ng Sto. Niño, Lake Sebu, Tantangan, T`boli, Polomolok, Norala, Tampakan at Koronadal City upang bigyang daan ang isasagawang damage assessment at dahil din sa mga nararanasan pang aftershocks.
Binaha rin ang iilang barangay sa Koronadal City at bayan ng Tantangan kagabi dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Sa ngayon activated ang OPERATIONS CENTER at nasa RED ALERT STATUS na ang PDRRMO South Cotabato para sa mabilis na koordinasyon sa mga member agencies.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
2 patay, 98 nagtamo ng minor injury at hinimatay matapos ang magnitude 6.6 na lindol.
Facebook Comments