2 patay, anim sugatan sa dalawang magkasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila… Quiapo blasts – walang kinalaman sa terorismo ayon sa PNP

189

Manila, Philippines – Patay ang dalawang katao habanganim ang sugatan sa dalawang magkasunod na pagsabog kagabi sa Quiapo, Maynila.
  Mag-aala 6:00 kagabi nang maganap ang unang pagsabog sabahagi ng Norzagaray Street malapit sa Manila Golden Mosque.
  Kinilala ang isa sa nasawi na si Mohammas Bainga habangkinilala naman ang tatlo sa anim na sugatan na sina Jaber Gulam, Datu SohairAdapun at Hajhi Ali.
  Pasado alas 8:00 naman kagabi nang masundan ito ng isapang pagsabog sa Globo De Oro Street, isang kilometro lang ang layo mula sa NorzagarayStreet kung saan nasugatan ang dalawang miyembro ng Manila Police District nanoo’y nagsasagawa ng inspeksyon sa unang pagsabog.
  Kinilala ang mga ito na sina c/ Insp. Elisa Reyes Arturo,Chief Chemist ng MPD at si PO2 Aldrin Resos ng explosive and ordinancedivision.
  Ayon naman kay NCRPO Director Chief/ Supt. Oscar Albayalde– walang kinalaman sa terorismo ang insidente kaya walang dapat ikabahala angpubliko.
  Nakatakda namang bumuo ang NCRPO ng task group na tututoksa imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments