Pangulong Rodrigo Duterte – may mga pinagpipilian nang kapalit ni gina Lopez bilang kalihim ng DENR

244

Manila, Philippines – Wala pang napipili si PangulongRodrigo Duterte na ipapalit kay Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environmentand Natural Resources.
  Pero ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sangayon ay marami nang pinagpipilian ang pangulo.
  Kabilang rito si Atty. Mark Tolentino na tulad ni Duterteat graduate sa San Beda College of Law at kasamahan niya sa Lex TalionesFraternity.
  Lumutang din ang pangalan ni Mines and Geosciences BureauChief Mario Luis Jacinto na sinasabi namang suportado ng mga mining firms parasa puwesto.
  Gayundin si Atty. Ramos Edison Batacan, managing partnerng Davao-Based Batacan Montejo Vicencio (BMV law firm) at dating presidente ng IntegratedBar of the Philippines-Davao City chapter at si dating AFP Chief of Staff Roy Cimatu na kamakailan lamang ayitinalaga ni Duterte bilang special envoy sa Middle East.
 
   
   

Facebook Comments