2 patay habang nasa 2 dosena sugatan sa shooting incident sa Las Vegas, Nevada

Las Vegas – Dalawa ang patay habang dalawamput apat ang sugatan sa pamamaril sa isang music festival sa Mandalay Bay Casino sa Las Vegas, Nevada.

Nagkagulo ang mga tao matapos na marinig ang sunod-sunod na paputok ng baril mula sa hindi pa kilalang gunman.

Agad na isinara sa publiko ang ilang mga establishemento sa paligid ng casino.


Sa pamamagitan ng Twitter ay umapela rin sa publiko ang Las Vegas Police Department na manatili sa kanilang mga bahay at umiwas muna sa pagpunta sa Vegas strip area dahil sa nagaganap na pamamaril.

Facebook Comments