24 pasaherong sugatan sa banggaan ng 2 van sa Amulung, Cagayan – ginagamot na sa hospital

Tuguegarao City – Ginagamot ngayon sa Sybian Hospital sa Tuguegarao City ang dalawamput apat na sugatan sa banggaan ng dalawang pampasaherong van sa national higway sa Barangay Baculud, Amulung, Cagayan.

Sinabi ni Paolo Madrid ng Tuguegarao City Disaster Risk Reduction and Management Council na naiuwi na sa kanilang lugar sa bayan ng Baggao ang mga namatay na sina Reynalda Tolentino, Marivic Battung at Hemelita Cadiz.

Habang taga-Alcala, Cagayan naman ang mga namatay na sina Erlinda Doran at Floraida Sales.


Ayon kay Madrid – nawalan ng kontrol sa manibela ang van na minamaneho ni Rustom Bartolome at pumasok sa kabilang linya, bago bumangga sa kasalubong na van.

Facebook Comments