2 patay ,isa wounded sa pananambang sa Ampatuan Maguindanao

Kinilala ni Ampatuan COP PMajor Gilbert Acorbo ang mga nasawing biktima na sina Orlando Santos former Brgy. Secretary ng Brgy. Saniag at isang Tribal Leader, at si Michael Santos na kapwa nagtamo ng multiple gunshot wound sa ibat ibang parte ng kanilang katawan sa naging panayam ng DXMY ngayong umaga.
Sugatan din si Kim Fernando na kasalukuyang nagpapagaling sa isang pagamutan.
Sakay ng motorsiklo ang tatlong biktima pauwi ng kani kanilang tahanan ng paulanan ng bala sa madilim na bahagi ng Brgy. Saniag mag aalas dyes kagabi.
Hindi pa batid kung ano ang dahilan ng pananambang habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
Patuloy rin ang pakikipag ugnayan ng mga otoridad sa mga pamilya ng biktima.

Facebook Comments