Mga desisyon ni PRRD kaugnay sa West PH Sea, idinepensa ni Senator-elect Marcos

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Senator-elect Imee Marcos ang mga pahayag at pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang Recto Bank incident.

Para kay Marcos hindi maituturing na malambot ang paninindigan ni Pangulong Duterte para sa ating teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Diin ni Marcos, matapang si Pangulong Duterte kaya maswerte tayo na may warrior president tayo.


Ipinunto ni Marcos na bilang magaling na mandirigma, ay hindi naman lalaban ang Pangulo kung alam nito na tayo ay matatalo.

Buo ang paniniwala ni Marcos na nagiging maingat lang si Pangulong Duterte at tama ang mga ginagawa nito.

Facebook Comments