2 patay matapos mag-away sa isang inuman

1163

ROXAS, Palawan – Patay ang dalawang lalaki matapos magkaroon ng pagtatalo sa gitna ng isang inuman noong Enero 13, Lunes.

Ayon kay Lt. Col. Imelda Tolentino, police information officer ng Palawan, nag-iinuman daw noon ang biktimang si Bernie Delos Santos, 30, isang magsasaka, kasama ang isa pang biktimang si Bobie Latumbo at ang iba pa nilang kainuman na sina Alvincent Gregorio at Pagong Deloso sa bahay ni Amay Lachica.


Nagkaroon ng pagtatalo si Delos Santos at Latumbo bago mangyari ang insidente.

Nang magtalo ang dalawa ay umalis daw si Latumbo at makalipas ang ilang sandali ay bumalik sa pinangyarihan ng insidente kasama ang kanyang mga kaanak na may dalang baril at isang bolo.

Nasaksak ni Delos Santos si Latumbo matapos siya nitong atakihin ngunit ilang sandali pa’y binaril ng mga kaanak ni Latumbo si Delos Santos.

Kasalukuyan nang pinaghahahanap ng mga pulis ang mga suspek.

Facebook Comments