2 Patay sa karambola ng 3 sasakyan sa Aurora, Isabela!

*Aurora, Isabela- *Dead on Arrival (DOA) sa pagamutan ang dalawang tsuper ng tricycle matapos araruhin ng closed van kaninang madaling araw sa Brgy. San Pedro-San Pablo, Aurora, Isabela.

Kinilala ang mga nasawi na sina Danilo Ancheta, nasa tamang edad, drayber ng walang plakang Suzuki GD 100, residente ng Brgy. Sta. Rita, Aurora, Isabela at Manny Balaba, nasa tamang edad, drayber naman ng Tricycle na TMX Honda 155, may plaka, habang sugatan rin ang pasahero nito na si Rolly Wania Vino na kapwa residente ng Brgy. Esperanza, Aurora, Isabela.

Nakilalala naman ang suspek at driver ng Foton 4 Wheeler close van na si Gregorio Tolentino, 54 anyos at residente ng Brgy. San Juan, San Luis Pampanga sakay ang dalawang pasahero na sina Rodel Pangilinan at Jayson Mercado na kapwa residente ng Pampanga.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, patungong south direction si Tolentino at nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay bigla nitong inararo ang nakaparadang tricycle nina Ancheta at Balaba.

Nakaidlip umano ang driver ng Van kaya’t nabangga nito ang dalawang tricycle.

Hindi naman nasugatan ang mga sakay ng Van habang ininihahanda na ng PNP Aurora ang kasong kakaharapin ni Gregorio Tolentino.

Facebook Comments