2 patay sa pagsalpok ng trak sa pampasaherong jeep sa Taguig

185

Dalawa ang kumpirmadong patay at anim na malubhang nasugatan matapos araruhin ng isang 14 wheeler truck ang apat na sasakyan at isang bisekleta sa C6 road sa harap ng Lakeshore sa Taguig City kaninang umaga.

Sinabi ni Taguig City Chief of Police,  Colonel Alexander Santos, sangkot sa aksidente ang  isang jeep, isang kotse, dalawang  motorsiklo at isang bisikleta.


Sa inisyal na imbestigasyon, galing sa General Paulino Santos Avenue nang maawalan umano ng preno ang truck na may kargang buhangin sa C6 road (Laguna Lake Highway) sa Taguig City kaya bumangga ito sa apat na sasakyan.

Sinabi ni Omar Tanzo ng Taguig Traffic Management, dead on the spot ang sakay ng bisikleta at isang motor rider, habang ang mga sugatan ay isinugod sa Taguig Pateros District Hospital.

Nasa kustodiya na ng taguig city police ang driver ng truck na kinilalang si Roman Rafanan Mariñas 29 na taong gulang ng Burak Pampanga at pahinanteng sina Ronny Rafanan Mariñas at Julius Vallinan.

Sa ngayon patuloy ang sinasagawang imbestigasyon ng taguig police.

Habang inaalis na sa lugar ang mga sasakyan sangkot sa aksidente.

Facebook Comments

From Advertisers