Dalawa ang patay sa kasagsagan ng bagyong Falcon sa Iba, Zambales
Ayon kay Andres Antonio, pinuno ng Iba DRRMO – nag-inuman ang mga biktima malapit sa dagat.
Hindi nila namalayang lumalalim ang tubig at tuluyan silang tangayin ng alon.
Sa interview ng RMN Manila kay OCD Spokesperson Mark Timbal – kinukumpirma pa nila ang ulat na ito.
Maswerte namang nakaligtas ang isang kasama ng mga biktima.
Facebook Comments