Halos 200 local officials, tinanggalan ng police powers – DILG

434

Aabot sa 189 na local chief executives ang tinanggalan ng kanilang supervisory police powers.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya – walong gobernador, at 181 alkalde ang tinanggalan ng kapangyarihang mamahala ng kanilang police forces.


Aniya, ilang sa kanila ay nasasangkot sa ilegal na droga, bigong mapigilan ang terorismo at umano’y sumusuporta sa extremist groups sa Mindanao.

Sinabi rin ni Malaya na ilan sa mga local officials ay wala na sa kanilang katungkulan matapos matalo nitong midterm elections.

Facebook Comments

From Advertisers