2 Pinay na tinangkang lumabas ng bansa gamit ang pekeng stamps, naharang ng Immigration

Dalawang Pinay ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) matapos tangkaing lumabas ng bansa kahit peke ang dokumento.

Ayon sa BI, naharang ang 32-anyos na babae sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na tinangkang lumipad patungong Thailand gamit ang pekeng departure stamp.

Sa Singapore naman ang plano sanang puntahan ng isang 31-anyos na babae na naharang din ng Immigration.

Nagpakilalang Tiktoker ang suspek na plano sanang magbakasyon pero nadiskubreng gumamit ito ng pekeng stamp sa kaniyang passport.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, hindi nila palulusutin ang mga ganitong modus lalo na’t maituturing na banta ito sa seguridad ng bansa.

Hawak na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang mga suspek na parehong mahaharap sa patong-patong na reklamo.

Facebook Comments