Ilang senador, hinikayat ang mga kasamahan na i-adopt na lamang ang P200 Wage Hike Bill na bersyon ng Kamara

Hinimok ni Senator Juan Miguel Zubiri ang mga kapwa senador na i-adopt na lang nila sa mataas na kapulungan ang ipinasang P200 minimum Wage Hike Bill ng Kamara.

Ayon kay Zubiri, kung gusto naman ng Senado na i-adopt ang bersyon ng Kamara ay gagawin nila ito.

Gayunman, dapat na makapagsagawa sila agad ng Bicameral Conference Committee Meeting kung may nais pa silang isulong na amyenda at para maaprubahan na ito bago ang sine die adjournment ng 19th Congress.

Sinabi ni Zubiri, may-akda ng panukalang P100 wage hike, palagi siyang papabor sa panig ng mga manggagawa dahil sa panahon na ito ay mas kailangan ng mga kababayan ang tulong pinansyal.

Umaasa naman ng senador na magiging ganap na batas ang dagdag sahod para sa kapakanan ng mga manggagawa.

Facebook Comments