2 Pinoy na hindi dumaan sa hotel quarantine pagdating sa bansa, natunton na

Sumasailalim na sa mandatory quarantine sa isang hotel sa Pasay City ang dalawang balikbayan na dumiretsong uwi sa kanilang bahay sa Paranaque City at hindi sumailalim sa mandatory hotel quarantine.

Sa impormasyon ng Philippine Coast Guard (PCG), dumating sa bansa ang dalawang Returning Overseas Filipinos (ROF) noong December 21 mula Estados Unidos .

Gayunman, ibang quarantine hotel ang kanilang napuntahan at hindi ang hotel na itinalaga para sa kanilang quarantine.


Dahil hindi sila tinanggap sa pinuntahang Airport Hotel, nagdesisyon na lamang silang umuwi sa kanilang tahanan sa Brgy. San Isidro, Paranaque City.

Nang hindi sila sumipot sa Airport Poddotel Hotel na siyang itinalagang quarantine para sa kanila, agad silang pinuntahan ng mga tauhan ng PCG para sunduin.

Facebook Comments