Paghahakot ng ayuda ng Philippine Coast Guard sa mga biktima ng Bagyong Odette, tuluy-tuloy kahit sa araw ng Pasko

Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na magpapatuloy ang kanilang paghahatid ng donasyon sa mga sinalanta ng Bagyong Odette kahit na sa araw ng Pasko.

Bunga nito, nananatiling bukas sa pagtanggap ng donasyon ang PCG Foundation.

Bukas din po ang PCG Task Force Kalinga para sa in-kind donations tulad ng food packs, bigas, purified drinking water, kumot, tents, kulambo, gamot at bitamina, toiletries, tsinelas at malinis na damit.


Maaari lamang dalhin ang in-kind donations sa National Headquarters sa Port Area, Manila o sa Coast Guard Base Farola sa Binondo, Manila.

Facebook Comments