Hindi pa rin matunton ang dalawang Pilipinong nawawala sa pag-atake ng Hamas sa Southern Israel noong October 7.
Tinukoy ng Embahada ng Pilipinas ang mga missing na sina Noralin Babadilla at Gelienor Pacheco.
Nananatili naman sa apat ang bilang ng mga Pinoy na namatay sa pag-atake.
Kabilang dito sina Angelyn Aguirre, Loreta Alacre, Grace Cabrera, at Paul Vincent Castelvi.
Una nang nagtipon-tipon ang Filipino community sa Philippine Embassy sa Israel para sa panalangin sa mga nasawing OFW.
Nagkaroon din ng panalangin bilang pasasalamat sa mga Pinoy na na-rescue.
Facebook Comments