Mga Pinoy sa Lebanon, hinimok ng Philippine embassy na magsumite na ng kanilang repatriation application

Hinimok ng Philippine Embassy sa Lebanon ang mga Pilipino roon na magsumite na ng kanilang repatriation applications.

Sa harap ito ng pinaiiral doon na voluntary repatriation program sa gitna ng bakbakan ng Israel at Hezbollah group.

Tiniyak din ng embahada na magkakaroon sila ng serye ng repatriation sa mga apektadong Pinoy.


Una nang dumating sa bansa ang unang batch ng Pinoy repatriates mula Lebanon.

Isa sa kanila ang nagkwento na matinding takot ang kanilang naranasan doon dahil naaalog ang kanilang bahay sa tuwing may palitan ng artilleries ang magkabilang pwersa.

Facebook Comments