2 Pinoy sa Brunei at India, nag-positibo sa COVID-19

48

Dalawa pang Pilipino sa abroad ang nag-positibo sa COVID-19 sa Brunei at India.

Naka-confine sa isang Local Health Facility sa Brunei ang isang Pinoy at nasa stable na kondisyon.


Nito lang din Marso nang dumating sa india ang isa pang Pinoy na isinugod sa ospital sa Mumbai matapos makaranas ng hirap sa paghinga.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nakikipag-ugnayan na ang mga embahada ng Pilipinas sa Ministry of Health of Brunei Darussalam at sa Philippine Honorary Consulate sa Mumbai.

Magpapadala rin ng tulong sa mga pasyente ang embahada para matiyak na naalagaan sila.

Facebook Comments