Ilang Pinoy, hindi pinapasok sa Malaysia dahil sa banta ng COVID-19

27

Ilang Pilipino ang hindi pinapasok sa Malaysia dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon sa Western Mindanao command, isinakay ang mga Pinoy sa ferry pabalik sa Sibakil Island sa Lantawan, basilan kung saan sila isasailalim sa 14-day quarantine bago pauwiin sa kanilang mga tahanan.


Babantayan sila ng mga tauhan ng Department of Health (DOH)-9 at Department of Social Welfare and Development (DSWD)-9.

Ibibigay din ang kanilang mga pangangailangan gaya ng pagkain, sleeping kits, hygiene kits, tubig, tents at iba pang basic commodities.

Tiniyak naman ng Western Mindanao Command (WesMinCom) na babantayan nila ang isla para masiguro ang kaligtasan ng mga Pinoy.

Facebook Comments