2 Pinoy sa Thailand, nawawala matapos tangayin ng alon – DFA

96

Dalawang Pilipino ang naiulat na nawawala matapos tangayin ng malakas na alon sa Freedom Beach sa Phuket, Thailand.

Sa inilabas na pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), mga Pilipinong turista at ang Royal Thai Police ang nag-ulat sa Philippine Embassy sa Bangkok tungkol sa insidente.


Naglalaro raw sa dagat sa kasagsagan ng malakas na bagyo ang mga hindi muna pinangalanang biktima na may edad 29 at 40.

“The two Filipinos were reportedly at the beach playing in the sea during a heavy storm, when they were swept away and have not been seen since then,” ani DFA.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DFA sa mga awtoridad sa Thailand at nagsabing magpapaabot ng kinakailangang tulong sa pamilya ng mga biktima.

Facebook Comments

From Advertisers