2 Pinoy seafarers, nakaligtas sa hijacking sa Gulf of Aden

Kinumpirma ni Migrant Workers Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac na dalawang Filipino seafarers ang sakay ng barkong inatake ng mga armadong grupo sa Gulf of Aden malapit sa Somalia.

Ayon kay Cacdac na ligtas ang naturang mga Pinoy at iba pang mga crew matapos na mahadlangan ng US Navy forces ang hijacking.

Ang mga na-rescue na Pinoy crew ay nasa ligtas nang lugar.


Una rito, nag-distress call ang barkong sinasakyan ng mga Pinoy matapos silang atakehin ng mga pirata.

Nadakip naman ng mga tauhan ng USS Mason ang lima sa mga pirata.

Facebook Comments