Repatriation sa 2 Pinoy na nakaligtas ss hijacking sa Gulf of Aden, tiniyak ng DMW

Tiniyak ni Migrant Workers Officer-in-Charge (OIC) Hans Cacdac ang repatriation sa 2 Filipino seafarers na nakaligtas sa pag-atake ng mga pirata sa Gulf of Aden.

Ayon kay Cacdac, regular naman na nagbibigay ng update ang manning agency ng Pinoy seafarers.

Tiniyak din ni Cacdac na hindi nasaktan ang Pinoy crew sa pag-atake ng mga armadong grupo lalo na’t mabilis na nakapagresponde ang destroyer ng US Navy.


Bagama’t nakasampa sa barko ang mga pirata, mabilis ding nakapag-lock sa loob ng safe room ang mga tripulante.

Ang Central Park na Liberian-flagged tanker ay sinasabing pag-aari ng Israeli business magnate na si Eyal Ofer.

Facebook Comments