2 police trainees na inireklamo ng panggagahasa, pinatatanggal sa police field training program

Nagbaba na ng kautusan si Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar na agad tanggalin sa police field training program ang dalawang police trainees na inireklamo ng panggahasa.

Kinilala ang mga ito na sina AJ Magsino at Jack Marquez, police trainees ng Rodriguez Municipal Police Station sa Rizal.

Ayon kay PNP Chief, Seryoso ang bintang laban sa dalawang ito kaya’t inatasan niya ang Rizal Provincial Police Office na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa kaso.


Sa ngayon, nakakulong na ang dalawa at nahaharap sa kasong administratibo at kriminal.

Ipapaubaya na ng PNP sa korte ang kasong kriminal na isinampa laban sa mga ito.

Batay sa ulat ng Rizal PNP, inaya ng police trainee na si Magsino ang kanyang textmate na magkita sa isang motel at dito na umano ito ginahasa ng kasamahang si Marquez.

Facebook Comments