Thursday, February 5, 2026

2 politiko sa Norte, mastermind, financiers ng illegal cigarette operations —DILG

May dalawang pulitiko sa Hilagang Luzon ang nasa likod umano ng illegal manufacturing ng sigarilyo sa lugar.

Ito ang hinala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla makaraan ang naganap na raid sa isang warehouse sa Mexico, Pampanga na kinakitaan ng mga sigarilyo, cigarette-making machines at tax stamps.

Aniya ang dalawang pulitiko sa Luzon ang may control sa illegal tobacco sa naturang lugar.

Inaalam din ng mga awtoridad ang impormasyon na mayroon pang sampu pang ilegal na pagawaan ng sigarilyo sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Aniya, nagsulputan ang ilegal na pagawaan ng sigarilyo sa bansa dahil sa mataas na tobacco excise tax.

Tinitiyak ni Remulla na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang tuluyang mawakasan ang illegal tobacco manufacturing.

Facebook Comments