Wednesday, October 7, 2026

180-K PNP personnel ipakakalat sa nationwide transport strike

Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng nasa 180 libong personnel lalo na sa gaganaping nationwide strike bukas.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, 85% ng kabuuang pwersa ng bawat unit ng mga lokal na pulisya ang inaasahang i-de-deploy.

Dagdag pa ni Tuaño, tutulong din ang Pambansang Pulisya sa mga posibleng mai-stranded dulot ng nasabing strike kung kaya’t mag-de-deploy rin ng mobility assets ang PNP para magbigay ng libreng sakay.

Samantala, giit ni Tuaño meron o walang nationwide transport strike ay natural na trabaho ng PNP ang tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Facebook Comments