2 porter sa Maynila, arestado sa pagsusugal

Manila, Philippines – Kalaboso ang dalawang porter matapos makuhanan ng ilegal na droga at mahuling nagsusugal sa kalsada sa Binondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Dandan at Bong, pawang miyembro ng Batang City Jail.

Ayon sa Manila Police District (MPD), nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga operatiba ng Gandara Police Community Precinct nang matiyempuhan ang mga suspek na nagsusugal sa daan.


Nang kapkapan, nakuhaan ang mga ito ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Narekober din ang perang gamit ng mga suspek sa pagsusugal.

Facebook Comments